medjo.

nagbabalik sa pagtatayp at pag-iisip ng maitatayp. pero infairness, gumagamit ako ng tagalog. (nagfe-feeling bob ong pagkatapos magbasa ng 2 libro na isinulat niya)

ngayon gabi na emo nanaman ako. oo. emo. Emo. eMo. alam ko walang bago pag galing sakin, pero ewan.

habang nagiisip ako ng ilalagay dito, naisip ko ang mga nakaraang pangyayari na hindi ako nakapagsulat. feeling ko isang daang libong taon na akong sumakay sa lrt, naglakad sa kahabaan ng e. rodriguez at kumaen sa mcdonald’s ng caramel sundae na kalahating puno. pero lahat ng ito walang kinalaman sa isusulat ko.

ngayong gabi emo ako. lalong nagpa-emo sakin yung mga kowts saka social interview kagaya ng:

Kristine Chua Olifermo so when you come back around after paintin’ the town, you’ll see i’m almost over you…:'(
about an hour ago · Comment · Like / Unlike

Tracy Jane Pardillo Nieto I wanna live a life from a new perspective.
2 hours ago · Comment · Like

Timothy de Jesus was tagged in an album.
2 hours ago

medjo napaisip tuloy ako. saan kaya nila nakukuha yan? namomoblema din kaya sila gaya ko na ang girlfriend ay pinagseselosan ang girlfriend na classmate ko na girlfriend nga ni symmone? namomoblema din kaya sila gaya ko na ewan ko ba kung ano ang dapat sabihin sa girlfriend ko na walang gustong paniwalaan kundi yung sarili niya? namomoblema din kaya sila katulad ko na ako na lang ang laging mali kasi sinabi ng girlfriend ko na ganun ako? namomoblema din kaya sila gaya ko na hindi man lang maintindihan ng girlfriend ko na napakaimposible ng mga paratang sa akin? namomoblema din kaya sila gaya ko na ang girlfriend ko kala niya lagi na lang siya ang may karapatang maging tama kasi nakahanap siya ng pwedeng gawing panakip sa butas niya?

hindi pa ako inaantok. walang nagtetext. at wala na atang magtetext kasi magpapalit na daw siya ng number. ewan. hindi na lang ako siguro papasok bukas, sa isang bukas, sa makalawa, saka sa susunod na kaluluwa na magpapakita sakin habang nasa sala ako mag isa. tama. pagkatapos, pupunta ako ng sabado sa dorm niya at iiwan ang natipid ko para may pambili siya ng lab manual niya at ng mga problema na gusto niyang isampal sa aking muka.

ako ata nagtunog nonsense.

about an hour ago · Comment · Like

Advertisements

~ by protagonist on November 16, 2009.

4 Responses to “medjo.”

  1. Tama! Lam mo kasi ganito ean eh..

    Lalake lagi ang may kasalanan xD wahahah! (si Josh din yan ang sabi eh o.o)

    pero nakakatuwa ka xD akalain mo yun, emo ka! hahah xD (umamin din sa wakas)

  2. “na emo” hindi “emo ako” -.-”

    lol si josh. nagpapakababae n2man XD

    • kasi yun yung sinabi nya sakin dati eh..

      sabi pa nya, “eto tatandaan mo, lalake palagi ang may kasalanan” xDDDDD

      EMO KA!

  3. hay naku.

    ansama naman. 😦 ang lungkot. 😦 ay., may nag-emo daw dito?! haha. :))

    basta. kaya mo yan. 😀 ang natutunan ko sa nangyari sakin ay hindi naman talaga kasalanan ng lalaki LAHAT. 🙂 may part din kami dun. Nakks. akalain mong nasabi ko yun eh napaka self-centered ko?! :))

    kaya mo yan. kaw pa! 😀 don’t give up on her. 🙂

    aja aja! 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: