umaga na. oo, at martes pa.

Dapat ngayon nagsisimula na akong gawin ang konseptong papel ko sa filipino. E dahil sumampal nanaman ang katamaran, eto nagpapakatanga at nagpapakalalim sa sulating ito sa pag-asang may bumilib, sa sulating ito, mismo.

Malamang nakatakas ako sa pagbabayad ng pamasahe, pero hindi sa kadahilanang humahaba talaga ang buhok ng tao, at ang ibang tao galit sa pagpapahaba ko nito. kung sa umpisa nagagawa kong makalusot sa lagim ng limang sekyu na nakabalandra sa harapan ng beda, sa isang kumpas ng magaling na sekyu na bagong ditine eh wala na. palibhasa hindi ako kilala kaya kung umasta, kala mo. diretso konsehong tagagabay tuloy.

Liban pa pala sa inaasahan kong pagkuha lamang ng aking aydee ang matatamo ko sa pagpunta. Buruin mo, ipamuka sa iyo na ikaw ay monghe, hindi malaya, at pumipirma sa mga kasulatang hindi man lang binabasa sa umpisa. At hindi lang, nagpaliwanag pa na ang kumpanyang pinapasukan mo ay maaring magpatupad ng kulay lila sa inyong uniporme. ~kinalaman?

Letchugas naman kung bakit malayo ang pilipinas sa estados unidos. Para tuloy kaming nakikipagsapalaran makakakuha ng pasaporte upang makaluwas lamang. Masaklap pa dito, ang hiniram, kailangan daw binabalik. Sana katulad niya ako. Inaangkin ang hiniram, madalas. Ngayon kailangan ng tipirin ang sarili. Kung kailangan kumain ng longganisa araw-araw para lang maatim ang inaasam ay gawin na. kung ang barya ay mistulang barya, ihambing na din sa papel na may nakatatak na mga bayaning muka. pero etong si benedictong tanga, gumastos ng pitumput isang kusing para sa kape at tinapay na binudburan ng matamis na pulbos na ibenebenta sa DUNKIN’ DONUTS. Imbis na isang daan ang maiuwi, bente nanaman ang nasa bulsa. Hay ang sarap talaga ng pakiramdam pag may minamahal at minamahal. haha.

Huling pagmumuni ay pagmamatyag at pagmamasid sa mga gawain at sulat kamay ni maestro Patricia Amparo. Oo siya nga. Yung babaeng nakikita ninyo sa wallpaper, ng aking desktop, ng aking kompyuter nung ako’y nasa unang baitang ng hayskul pa. Sa simula pa lamang, masyado na akong nahuhumaling sa kakaiba at namumukod-tanging kakayahan niya sa mga bagay-bagay na kung saan ako naman ay bumabagay-bagay lamang. hindi ko maiwasan tuloy ang pagkaimbot, pagkayamot, at pagkainggit sa mga bagay na siya ay kumpleto na. buruin mo, mayaman, maganda, matalino, lahat na. hindi mo rin naman masasabi na mas magaling ka sa kanya dahil may pagkakataong ginaya ko na talaga siya. Malala pa, minsan na akong nakipag-away sa kadahilanang pinipilit ang sarili na ako’y mas tama. Pero kung sa bagay, matagal na akong may tama. Pero nakakainis pa rin. Nakakainggit pa din. Nakakabilib pa rin siya. Ay ewan. Nakatadhana na ata akong mainggit sa mga bagay na hindi ko kayang maabot sa simula pa lamang. Punyeta.

At tama na. itigil na ang kalokohan at karambola sa araw na ito.

Sa susunod na lang ulet sa mga ganitong pagkakataon na ako’y nagiging makata.

Babay.

Advertisements

~ by protagonist on February 4, 2008.

One Response to “umaga na. oo, at martes pa.”

  1. ..para sa aking minamahal..

    mapanuri ako ngunit hindi isang kritiko.. hindi din ako nagiging makata katulad mo, pero kung iyong mamarapatin, nais ko sanang isunod mula sa likha mo ang aking komento..

    nung una palang humanga na ako sa’yo, alam ko kasing meron kang kakaibang talento.. ..

    pero mahirap.. mahirap umasa na magkaroon ka ng isang bagay na wala ka talaga.. kaya.. kung ikaw naiinggit sa iba dahil sa napakalapit na yata nila sa kaperpektuhan.. eh ewan ko na lang.. ang alam ko lang naman eh..

    sa kabilang bahagi ng pagsusuri..
    .. dahil sinabi koh na kelangan isoli ang bagay na hindi pag-aari.. eh para na tayong binagsakan ng langit at lupa.. pero yun lang..isipin na lang nating “love knows no borders” ..

    at ang isa ko pang masasabi eh sana huwag dumanak ang dugo.. at ayun na nga. kelangan ng mamaalam..

    ..mula sa iyong minamahal..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: