chicken soul for the soup.

Hello Loyal Dyiele Mi Luana’s Project Readers.

I’ve posted this interesting file that will somehow negate a nerve on you. This is about the never-ending clutching and never-ending “it will never change” plot of a story worth not Taking Back Sunday for. Enjoy it as much as I never do. Read this passage and relate to it as if it was like a chicken soul for a soup. Yuck.

MY PERCEPTION: plastic na kung plastic, but I’m sick of it.

“Untitled because she never told me about it.”
By: Marghie Perenya, for James’ Project

Na iuugnay ko sa aking kwento. Ito ay tungkol sa dalawang magkaibang landas na pinagtagpo ng tadhana, si Martin at Lhynne. Nagsimula ang lahat ng ito sa tindahan ng kwek-kwek sa tabi ng kanilang paaralan. Si Lhynne ay 2nd year high school noon samantalang si Martin naman ay 4th year high school. Kilala si Lhynne sa buong iskwelahan dahil doon rin nag-aral ang kanyang mga kapatid. At si Martin naman ay kilala din dahil isa siya sa mga varsity player ng nasabing paaralan. Ngunit hindi lubos akalain ng dalawang sa huli ay sila pala ang pagtatagpuin ni kupido. Kinahapunan noon, kumakain ng kwek-kwek si Lhynne kasama ang kanyang mga kabarkada. Nang dumating ang barkada ni Martin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla nalang nagpalibre si Martin kay Lhynne ng kwek-kwek. Dahil sa kabaitan at pagka-palakaibigan ni Lhynne ay hindi ito nagalinlangan ilibre si Martin at mga kaibigan nito. Noong mga oras na yun, hindi alam ni Martin kung panu niya nakuhang makipagusap at magpalibre sa taong hindi naman niya kakilala. Simula noon hindi na mawala sa isipan ni Martin si Lhynne. Humanap ito ng paraan para maging malapit siya kay Lhynne at makuha ang loob nito. Kaya’t nagpatulong ito sa isa sa mga kalapit na kaibigan ni Lhynne, si Mardwin. Siya ang ginawang daan ni Martin para makuha ang loob ni Lhynne. At nagtagumpay si Martin sa kaniyang mga pinaplano. Hindi naging mahirap sa dalawa ang lahat. Pagkatapos ng ilang lingo, hindi na napigilan ni Lhynne ang tunay na nararamdaman kay Martin at binigay ang gusto niya. Ang makuha ang puso nito. Naging masaya ang pagsasama ng dalawa. Tumagal ito hanggang sa isang di inaasahang pangyayari ang naganap. Nagkaroon ng ibang babae si Martin na lubos n ikinasama ng loob ni Lhynne. Ito ang dahilan kaya sila nagdesisyon na maghiwalay ng landas. Mahirap para kay Lhynne ang lahat. Dahilan sa hindi niya mawari kung bakit nagawa yun ng pinakamamahal niyang kasintahan. Di niya lubos maisip na si Martin pa ang makagagawa nito sa kanya. Pagkatapos ng lahat ng kanyang sakripisyo at paghihirap yun lamang ang kanyang mararanasan. Masakit ngunit kailangan tanggapin ni Lhynne ang lahat. Gabi-gabi iniisip ni Lhynne ang kasintahan. At sa tuwing naaalala niya ito, napapaluha na lamang ito sa lungkot dahilan sa pangungulila. Habang si Martin ay mabilis na nakahanap ng kapalit ni Lhynne. Maraming naging kasintahan si Martin pagkatapos ng pakikipagrelasyon kay Lhynne. Tumagal din ng humigit kumulang isang taon at kalahati ang paghihiwalay ni Martin at Lhynne. Akala nila doon na nagtatapos ang lahat sa kanilang dalawa. Pagkalipas na isang taon, nagtagpo ulit ang landas ng dalawa. Tumawag si Martin sa bahay ni Lhynne para mangamusta. Noong una, ayaw muna sanang kausapin ni Lhynne si Martin pagkatapos ng lahat, ngunit di parin napigilan ni Lhynne ang kanyang nararamdaman. Hindi niya naitago ang nararamdaman sa kasintahan. Nagka ayos ang magkasintahan pagkatapos ng matagal na pagkakawalay sa isa’t isa. Simula ng araw na iyon, ginawa na ni Martin ang kanyang makakaya para lamang di na maulit ang nagawang pagkakamali kay Lhynne. At dahil dito, lalong minahal ni Lhynne si Martin. At nangako ang dalawang kahit anong pagsubok man ang dumaan, anung sakit ang maranasan, at anung pighati ang maramdaman, walang bibitiw, walang bibitaw, walang iwanan.

Choodles.

Advertisements

~ by protagonist on February 27, 2007.

2 Responses to “chicken soul for the soup.”

  1. wooowh..napakahaba nun ah!!..hahah…

  2. Ughmmmm… A No comment for my comment, another nonsense comment said…Stay Happy and stay Alive….Lhynne….

    Ces’t La Vie (Happy Birthday sa asawa q!!! Love you!!)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: